Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
C Jackson, sumikat matapos i-celebrate ang nag-iis niyang 'like' sa YouTube!


Hindi pa siguro naiintindihan ni C Jackson kung paano naging viral ang kanyang YouTube video, kung saan sine-celebrate niya ang kanyang kauna-unahang "like" sa kanyang personal channel. Ito ay dahil pinost ng isang naawang Reddit user ang kanyang video sa Reddit.

Dahil sumikat siya sa loob ng isang gabi, marami ang nagtatanong kung tutoo ba ang kanyang video -- dahil ang bilis niyang nakakuha ng 80,000 likes.

Hindi kaya si Jimmy Kimmel ang mastermind ng gimmick na ito, na kasunod ng kanyang twerking video?

Sigurado kaming hindi niya gagayahin ang twerking video, dahil mukhang hindi naman niya kakayanin.

Pero pwedeng kakunstaba niya si Kimmel, dahil mahilig mag-viral-video-prank ang late night host.

Baka nakita ni Kimmel ang potential ni Jackson, para mapagkakitaan.

At sa tingin namin, ay isa nang Youtube superstar ang batang ito.

Anuman ang kuwento sa likod ng internet sensation na ito, mukhang matagal-tagal pa bago natin malilimutan si C Jackson.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended