Sikat na deaf composer, nabuking na may ibang taga-compose ng mga kanta!
Si Mamoru Samuragochi ay isang 50-year-old deaf composer. Lumalabas ngayon ang balitang ibang tao ang sumulat ng kanyang mga musical pieces, gaya ng kanyang trademark na "Symphony No. 1 Hiroshima."
Si Samuragochi ay ipinanganak sa Hiroshima. Ang kanyang mga magulang ay "hibakusha," o A-bomb survivors.
Nang nabingi si Samuragochi sa edad na 35, nagpatuloy siya sa pag-compose sa pamamagitan ng kanyang absolute pitch.
Mabilis siyang sumikat sa local media sa Japan, at siya ay tinawag na "modern-day Beethoven."
Ang "Symphony No. 1 Hiroshima," na nai-record noong 2011, ay nakapagbenta ng 180,000 na CDs. Ito ay napakalaking numero para sa classical music genre.
Ayon sa isang statement na ifinax ng abogado ni Samuragochi sa media, kahit na sinabi ni Samuragochi na sinulat niya ang lahat ng kanyang musika, ang kanyang ginawa ay ibigay ang kanyang mga ideya sa ibang tao, na siyang sumulat ng mga ito.
Humingi na ng paumanhin ang mga Japanese TV shows para sa pagpapakilala nila kay Samuragochi, at itinigil na ng Japanese recording company Nippon Columbia ang paglabas ng kanyang mga CDs at internet deliveries.
Ang "Sonatina for Violin," na ire-release dapat sa February 11, ay nai-cancel na noong February 4. Ito ay gagamitin dapat ng Japanese figure skater na si Daisuke Takahashi sa kanyang performance sa Winter Olympics sa Sochi, Russia. Ayon sa isang announcement noong February 5, tuloy pa rin ang paggamit sa kanta sa Winter Olympics.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH