Jamaal Johnson, ginamitan ng truck, walis, baril, baby stroller at liyabe ang kaibigan!
Ito si Mr. Jamaal Johnson, galing siya sa Florida, at siya ay may anger management issues.
Hindi natuwa si Johnson na hindi maayos ang pagtakbo ng kanyang truck, kahit na isang linggo itong pinagtrabahuan ng kanyang kaibigan.
Imbes na maghanap ng bagong mekaniko, o kausapin ang kanyang matalik na kaibigan, sinundan ni Johnson ang kanyang kaibigan, sakay ang truck, at binangga ito! Napalipad sa ere nang sampung talampakan ang kawawa niyang kaibigan!
Pagkatapos ay kumuha ng walis si Johnson mula sa truck, at pinaghahampas ang kanyang kaibigan!
Nagtago ang kaibigan ni Johnson sa isang convenience store, pero mas nagalit pa si Johnson, at tinutukan na niya ng baril ang kanyang kaibigan.
Hindi namin alam kung bakit may baby stroller si Johnson sa truck, pero ito ngayon ang ginamit niyang armas laban sa kanyang kaibigan.
Si Johnson ay haharap sa napakaraming criminal na kaso, pero aminin na nating lahat na napaka-resourceful niya ha! Nagtapon din siya ng liyabe sa kanyang ex-friend!
At least ngayon ay may oras na siyang magbasa at pag-aralan kung paano ayusin ang kanyang truck!
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH