Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 10 years ago
Ang mga inumin na matamis, gaya ng paninigarilyo, ay nakakamamatay?!


Ang asukal ba ang bagong tobacco? Ang pagkain daw ng matatamis ay maaring mag-trigger ng heart disease.

Ang pagkain ng matamis ay hindi lang nakakataba -- ito rin ay nakamamatay! Ang pag-inom ng isang matamis na inumin sa isang araw ay maaring mauwi sa fatal heart disease!

Ayon sa pag-aaral ni Dr. Quanhe Yang, na nag-analyze ng isang US national health survey ng 30,000 middle-aged American adults, mula 1988 hanggang 2010 -- karamihan sa mga ito ay nai-maintain na nasa 10 percent lang ng araw-araw na pagkain ang sugar; pero para sa iba, nasa 25 percent ang kanilang araw-araw na sugar intake.

Ayon din sa study na ito, ang mas maraming sugar na ating nako-consume, ay mas mataas ang ating risk ng pagkamatay mula sa isang cardiovascular disease.

Isang 350-milliliter na softdrink, halimbawa, ay may nine teaspoons ng sugar kada lata -- ito ay 7 percent ng 2000 calories. Ibig sabihin, kapag uminom ka ng dalawang lata sa isang araw, ay masyado nang marami ang iyong nako-consume na sugar. At kahit isang lata lang ang inumin mo sa isang araw, mas mataas pa rin ng 29 percent ang iyong tsansa na mamatay dahil sa heart disease, kumpara sa mga taong uminom ng isang lata sa isang linggo.

Ang sugar ay hindi lang matatagpuan sa softdrinks. Maraming processed foods ang puno ng asukal, pati mga pagkain na akala natin ay "healthy" --- gaya ng tinapay, cheese, at salad dressings.

Ayon sa UK health organization, Act On Sugar, ang asukal raw ay ang bagong tobacco, at hinihiling nila na lagyan ng gobyerno ng tax ang mga ma-asukal na inumin! Sinabi rin nila na dapat lagyan ng warning labels ang mga inumin na may maraming asukal.

Ano sa tingin niyo? Kailangan bang lagyan ng tax ang mga matatamis na inumin, gaya ng sigarilyo? Mag-iwan ng opinyon sa comments.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended