Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
May-ari ng restaurant sa Japan, binugbog at ninakawan ng 100,000USD!


Tatlong lalaki ang hinahanap ng pulis, matapos silang magnakaw ng lampas 100,000 USD mula sa may-ari ng isang restaurant sa Ichikawa Chiba.

Noong February 7, hinintay ng mga magnanakaw ang biktima sa likuran ng kanyang restaurant.

Habang pababa ang biktima mula sa kanyang sasakyan, hinampas nila ito ng bakal na baseball bat, at ninakaw ang kanyang suot na relo, at kinuha din nila ang isang bag na may laman na 100,00 USD.

Tumakas ang mga suspect, sakay ng mga motorsiklo.

Bagama't nasaktan ang may-ari ng restaurant, nagawa niyang habulin ang mag suspect sa kanyang kotse, pero nakawala pa rin ang mga ito.

Nahanap lang ng biktima ang isa sa mga sasakyan ng tatlong suspect. Hinahanap ngayon ng pulis ang mga magnanakaw.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended