Sundalo na aso na galing sa UK, nahuli ng Taliban sa Afghanistan!
Ito si Colonel, isang coalition military na aso, na nahuli dawn g Taliban noong Disyembre.
Si Colonel daw ay nahuli sa isang allied military operation sa Laghman province, sa Afghanistan, at buong akala ng Taliban ay galing sa Amerika ang aso...
Pero ang tutoo raw ay ang aso ay galing sa United Kingdom. Malalaman ito ng Taliban kung nag-check lang sana sila.
Ipinagmayabang pa ng Taliban ang kanilang high-value na bilanggo sa isang video, na nai-post sa isang insurgent website.
Hindi pumayag na mag-comment ang Ministry of Defense sa UK, pero feeling naming ay nag-aalala sila para sa kanilang aso. Baka kasi ma-brainwash ito!
Sana ay hindi nila pilitin ng Taliban na sumali sa mga tradisyonal na Afghan pastimes ang aso habang ito ay nasa sa kanilang mga kamay.
Mapakawalan man isang araw si Colonel, ay magkakaroon ito ng hero's welcome sa kanyang bansa -- gaya ng lahat ng sundalo.
Pero dumating man ang araw na iyon, kailangang mahigpit na bantayan si Colonel...
Para lang masigurado na ang kanyang oras kasama ang kaaway, ay hindi nagbigay sa kanya ng hindi kanais-nais na epekto, o pagbabago.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH