Neknomination, ang bagong uso sa internet na ikinamatay na ng dalawang tao!
Natatandaan niyo ba noon gang pinaka-weird na uso sa internet ay ang 'planking?'
At nandiyan din ang 'owling,' na buti na lang ay hindi nagtagal.
Ngayon, ay may bagong uso ang internet na tinatawag na "neknomination,' kung saan ifi-film mo ang iyong sarili habang umiinom ng napakaraming alak, at pagkatapos ay icha-challenge mong makipag-away o mambugbog sayo ang isang tao.
Gaya ng maaasahan, palala ng palala ang mga ginagawa ng mga tao -- may mga umiinom na ng mga cocktails na may kasamang buhay na goldfish!
May dalawang tao na sa Irlandia ang namatay dahil sa pa-usong ito, matapos silang mag-inuman at nalunod sa isang ilog.
Karamihan sa mga challenge videos na mga ito ay pinost sa Facebook, pero ayon sa Facebook, hindi sila pumapayag na mag-post ng kagaguhan ang kanilang mga users.
Sa Australia daw nagsimula ang neknomination...kung ganoon, bakit hindi ito tinawag na 'neckie?'
Condolence po sa mga pamilya ng mga namatay dahil sa napaka-walang kuwentang pauso na ito. Kakaiba naman kasi ang genes ng mga taong sumunod sa nakamamatay na uso...sana ginamit muna nila ang kanilang mga utak.
Kung kayo ay ma-'nominate' --- mag-ala-Nancy Reagan kayo, at just say no!
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH