Eleksiyon ng gobernador ng Tokyo, halos hindi natuloy dahil sa snow!
Noong Linggo, ay nagsagawa ng governor election ang Tokyo, Japan.
Nai-report namin noon ang limang kandidato para sa posisyon.
Maraming paninira ang ginawa ng mga pulitiko sa isa't isa, at ang mga kumakamanya para sa mga kandidato rin ay nang-slander para lang mas maraming bumoto sa gusto nilang kandidato.
Pinanood ng marami ang news reports tungkol sa eleksiyon na ito sa Japan, pero pagdating ng araw ng pag-boto, ay wala masyadong tao ang nagpunta!
Maaring dahilan nito ang mabigat na nyebe na bumagsa sa Tokyo, isang araw bago ang botohan. Ito na ang pangatlong insidente ng pinaka-kaunting taong bumoto, sa eleksiyon sa Tokyo.
Salamat sa halos 20 centimeters, o 8 inches ng nyebe, na bumagsak noong Sabado ng hapon sa Tokyo, hindi nagsilabasan ng bahay ng mga residente para bumoto noong Linggo. Ang voter turnout ay nasa 46 percent lamang, samantalang nasa 63 percent ito noong huling ekesiyon, dalawang taon nang nakalipas.
Saan nagsipunta ang mga namimintas sa mga kandidato sa internet?
Nagsara ang polls, alas otso ng gabi noong Linggo, at sa isang landslide victory, si Yoichi Masuzoe ang naitanghal na bagong goberbador ng Tokyo.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH