Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Lalaki, tumakas mula sa bilangguan, para makita ang girlfriend sa Valentine's Day!



Ito si Joseph Andrew Denekipp, isang lalaking tunay na sineseryoso ang Valentine's Day.

Siya ay nakakulong sa Arizona mula pa noong January 10, dahil sa suspisyon ng vehicle theft, trafficking in stolen property, unlawful flight, at driving on a suspended license.

Pero nang dumating ang February 14, hindi nagpapigil sa bakal na riles ng jail itong si Denekipp.

Ayon sa pulis, si Denekipp ay tinalon ang dalawang pader, at ginapangang ang isang razor wire na ring, para makatakas.

Natuwa man sa kanyang ginawa ang kanyang girlfriend, ay napakalaking hassle ang pinagdaanan ni Denekipp para lang sa iilang oras ng kalayaan...na hindi pa niya nakamit dahil hinihintay na siya ng pulis pagdating niya sa meeting place nila ng kanyang Valentine.

Ayon sa mga opisyal sa jail, si Denekipp ay kinailangang gamutin pagbalik sa bilangguan dahil nasugat siya razor wire sa pagtakas.

Si Denekipp ngayon ay itinanghal na "pinaka-romantic na inmate," pero mukhang mas matatagalan pa bago sila makakapg-enjoy ng Valentine's Date ng kanyang girlfriend, dahil ang kanyang pagtakas mula sa jail ay naidagdag na sa kanyang rap sheet.

Moral of the story: Huwag tumakas mula sa jail, at gumapang sa razor wire, kahit na Valentine's Day...or any other day!





For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended