VIDEO: Lalaki, tinulak ang girlfriend sa manhole dahil ayaw niyang magbayad ng utang!
Nakakagulat ang CCTV footage na ito, kung saan ang attempted murder ng isang lalaki sa China ang mapapanood -- heto siya, pilit na pinasok sa isang manhole ang kanyang girlfriend, para matakasan ang kanyang utang!
Ang video, na nakunan sa siudad ng Haikou, sa Hainan Province, ay pinapapakita ang lalaki, na inalis ang takip ng manhole, at pinalitan ito ng isang pirasong cardboard.
Pagkatapos ay makikita siyang tumatakbo sa ulan kasama ang kanyang girlfriend, bago niya pilit na tinulak ang babae sa butas, bago binalik ang takip ng manhole, at iwan ang kawawang babae.
Ang babae, na ang apelyido ay Guo, ay naligtas bagama't siya ay nakulong sa loob ng maginaw at may tatlong metrong lalim na manhole, nang animnapung oras.
Ang lalaki, na sinabing tinatakasan niya ang kanyang utang sa babae na halos 16,500 USD, ay nakasuhan nan g attempted murder, para sa kanyang ginawa noong December 12.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH