Luiz Rodriguez, pinatay ng Oklahoma police sa harap ng kanyang pamilya!
Ito ang Warren Theaters sa Moore, Oklahoma, eksena ng isang trahedya, kung saan si Luiz Rodriguez ay binugbog diumano ng limang police officers, hanggang sa siya ay namatay, sa harap ng kanyang pamilya noong Biyernes ng gabi.
Ayonsa pamilya ni Rodriguez, paalis sila sa theater bandang hatinggabi noong Biyernes, nang nagkasagutan ang nanay na si Nair at ang anak niyang babae na si Lunahi. Sinampal ni Nair si Lunahi, at naglakad paalis.
Hinabol ni Luiz ang kanyang asawa, nang sinalubong siya ng pulis, na humingi ng ID.
Nag-alala si Rodriguez na magmanehong paalis sa Nair, kaya tinulak niya ang pulis. Ayon sa kanyang pamilya, doon na siya sinaktan ng mga pulis.
Ayon kay Lunahi, limang pulis ang walang-awang binugbog si Luiz, hanggang sa mamatay ito sa harap nila. Ni-rekord daw ng kanyang ina ang pagbugbog sa kanyang telepono.
Nakita ng pamilya ni Luiz ang kanyang madugo at halos hindi na makilalang mukha, nang siya ay binuhat ng mga paramedics.
Matapos ang insidente, at kinumpiska pa raw ng pulis ang telepono ng kanyang ina.
Tumangging magbigay ng comment ang Moore Police Department, pero sinabi nilang tatlong police officers na raw ang nailagay sa paid administrative leave, habang iniimbestigaysunan ang kaso.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Be the first to comment