Pussy Riot, binugbog ng Cossack militia sa Sochi, Russia!
  • 9 years ago
Pussy Riot, binugbog ng Cossack militia sa Sochi, Russia!



Andito na ulit ang Pussy Riot!

Ang Russian protest band ay nag-perform sa Sochi Olympics, at pinatamaan nilang muli ang kanilang president, sa kanilang kanta.

Ang kanilang mini-performance ay tatlong minuto ang inabot, at bigla itong nagtapos nang pinaghahampas ng Cossack militia ang grupo, gamit ang horsewhip.

May at least sampung Cossack ang nagpakita, kasama ang mga security officials. Tinanggal nila ang mga maskara na suot ng grupo, at tinapon sa basurahan ang kanilang gitara.

Isang lalaking nakasuot ng dilaw na tank top ang nabugbog at nagdurugo ang mukha.

Nakausap ng pulis ang mga saksi, pero walang naaresto. Nangako ang Krasnodar region governor na si Alexander Tkachev na magsagawa ng isang malinaw na imbestigasyon ng insidente.

Nangyari ito, isang araw matapos ma-detain ang dalawang miyembro ng Pussy Riot nang ilang oras, dahil sila ay naakusahan ng pagnakaw sa Sochi.

Habang ginagamit ni Putin ang pinakamagastos na Winter Games na ito, para mapaganda ang kanyang image, inaasahan na marami oag mga anti-government na aksiyon ang isasagawa sa susunod na mga araw.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended