Teenager gang sa Tokyo, nagnakaw para mabigyan ng regalo ang kanilang mga girlfriend!
Kapag binanggit mo ang Father Christmas, ang pumapasok sa isip ng karamihan na bata, ay isang cute na matandang lalaki, namay suot na pulang damit, may mahaba at puting balbas, at may dalang regalo para sa kanila sa araw ng Pasko. Hindi nila naiisip ang mga magnanakaw.
Tatlong Japanese na teenager ang naaresto noong Martes, dahil tinangka nilang i-snatch ang isang bag na may laman na 55,000 yen, o 550USD, noong umaga ng December 24.
Sila rin ay naakusahan ng pagkasangkot sa walong kasong ganito, sa Tokyo, noong Disyembre.
Isa sa mga kaso ay ang pag-asulto sa mga babaeng nakatakas, pero nasaktan nang sila ay nadapa at nahulog.
Ang gang na ito, na may mga teenager sa edad na 16 hanggang 19, ay haharap sa mga kaso ng robbery at assault.
Umamin daw sila sa kanilang mga krimen, at sinabing nais lang nilang kumita ng pera na pwede nilang gastusin sa kanilang mga girlfriend sa Pasko. Kung ganun eh bakit hindi na lang sila kumuha ng part-time na trabaho?!
Ang mga getaway scooters ng mga magnanakaw ay kanila ring ninakaw.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Comments