Chinese na babae, nasira ang baga dahil sumobra sa pagkain ang tiyan!
Kayo ba ay naiinis kapag may taong kain pa rin ng kain, kahit na halata namang busog na?
Noong Linggo, ang 43-year-old na si Ms. Zheng ay kumain ng hot pot kasama ang kanyang mga kaibigan.
Kahit busog na siya, ay sinundan pa niya ito ng inuman pagkatapos.
Matapos ang pagkain at pag-inom ng napakarami, nagpatuloy pa si Zheng sa isang karaoke party.
Pag-uwi niya sa bahay, sumakit ang kanyang dibdib, at halos hindi na siya makahinga.
Kinabukasan, sa ospital, nalaman ni Zheng na ang kanyang tiyan ay pumasok na kayang thoracic cavity, kung saan naka-posisyon ang kanyang baga at puso! Agad siyang nagpa-opera.
Ang kaliwang baga ni Zheng nag-collapse, dahil ito ay na-pressure at nadiinan ng kanyang masyadong napuno na tiyan. 1/3 ng kanyang tiyan ang tinanggal sa operasyon para maayos ang problema.
Nagsisisi si Zheng sa kanyang ginawa at nangakong hindi na kakain nang ganun karami, kahit kailan.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Comments