Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
"Paper Panda Army," sinakop ang Taipei, Taiwan!



Panda alert! Panda alert! Matapos sakupin ang Ketegalan Boulevard sa harad ng Taipei Presidential Office Building, sinakop naman ng isang army ng paper pandas ang Xinyi Public Assembly Hall, isang dating village ng former military dependents.

Ang 1,600 na paper pandas ay mabilis na nagpakita sa village, at may iilan sa kanila ang nailagay sa pader at sa bubong. Pero karamihan sa kanila ay naka-display sa square. Kahit na tatlumpung minuto lang ang event na ito, marami pa ring naakit na magpunta at makisama sa mga paper pandas.

Kapag tiningnan niyo nang mabuti, mapapansin niyo na may mga panda na nakasuot ng sumbrero na gawa sa dahon, at may mga Formosan black bears din na nakatago sa gitna ng mga panda.

Ang baby panda na si Yuan Zai ay pinagkakaguluhan sa Taiwan, simula pa noong siya ay ipinanganak noong isang taon. Ang video journal na nire-record ang kanyang araw-araw na buhay, na tinawag na "Growth Diary of Yuan Zai," ay nai-release kahapon. Sa video, mapapanood natin ang 6-month-old na si Yuan Zai, na ngayon ay may bigat na 20 kilos, na masayang nilalaro ang kanyang paboritong laruan.







For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended