Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Lalaking nakasagasa ng babae, hinubaran at itinago ang katawan ng biktima!



Isang 57-year-old na driver ang naaresto noong Lunes para sa pagtago diumano ng katawan ng isang babaeng kanyang nasagasaan, sa Handa Aichi.

Ang 62-year-old na biktima na si Naoko Sato, ay nasagasaan diumano ni Koseuke Terazawa, habang naglalakad siya kasama ang kanyang alagang aso, Lunes ng umaga. Si Sato ay na-sandwich dimano ng van at ng isang crash barrier, at naputol ang kanyang mga paa, at siya ay namatay. Ang kanyang patay na aso ay natagpuan din sa eksena.

Ang hubad na katawan ng babae ang nagpaalam sa pulis na tinaggal ni Terazawa ang damit ni Sato, para matago ang ebidensiya ng banggaan.

Nang narinig ng isang babaeng nakatira malapit sa eksena ng aksidente ang malaks na ingay, sumilip siya sa labas, at tinanong siya ni Terazawa kung siya ay may jack na pwedeng ipahiram sa kanya.

Pagdating ng pulis, nakita nila ang mga mantsa ng dugo sa van at sa crash barrier. Ang katawan ni Sato ay natagpuang lumulutang sa malapit na reservoir.

Dineny ni Terezawa na may kinalaman siya sa crash, at sinabing hindi niya naaalalang nasagasaan niya ang babae.

Kasalukuyang iniinmbestigahan ang aksidente, habang hinihintay ng pulis ang autopsy para malaman ang cause of death ng biktima.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended