Lalaki, tinext ang ex na magpakamatay - at tumalon ang baabe mula sa 8th floor!

  • 9 years ago
Lalaki, tinext ang ex na magpakamatay - at tumalon ang baabe mula sa 8th floor!



Ang 21-year-old na law student na si Taishu Watanabe, ay naaresto noong Biyernes, dahil nagpadala siya ng pitong text messages sa kanyang ex-girlfriend, kung saan sinabihan niya itong magpakamatay.

Isang taon diumano na nag-date si Watanabe at ang kanyang ex.
Nakipaghiwalay daw sa kanya ang babae bago siya nagpakamatay.

Si Watanabe ay nakasuhan ng pagpapadala ng pitong text messages, mula November 8, sa pamamagitan ng app na Line. Sa mga mensahe ay sinabihan niyang tumalon at magpakamatay ang babae.

Nagpadala ng text messages ang babae sa kanyang mga kaibigan, at nag-iwan ng sulat sa kanyang mga magulang, para ipaalam na magpapakamatay siya.

Tumalon siya mula sa 8th floor ng isang apartment building sa Tokyo noong November 9.

Makalipas ang ilang araw, salamat sa isang anonymous tip, nalaman ng pulis ang ginawa ni Watanabe -- na umamin din matapos siyang kausapin ng pulis.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended