Update: Luis Rodriguez, namatay sa kamay ng limang police officers sa Oklahoma!
Lumabas ang bagong footage ng pagkamatay ng isang lalaki sa Oklahoma, sa kamay diumano ng mga pulis.
Makikita sa video na pinipigilan ng limang police officers sa paglaban si Luis Rodriguez, sa car park ng Warren Theaters, sa Moore, Oklahoma, noong February 14.
Ayon sa kanyang pamilya, paalis sila ng sinehan bandang hatinggabi, nang nag-away ang ina na si Nair, at ang anak na si Lunahi. Sinampal ni Nair si Lunahi, at naglakad paalis.
Hinabol ni Luis ang kanyang asawa, nang kinumpronta siya ng mga pulis, na naitawag dahil sa nangyaring domestic incident. Humingi ng ID ang mga pulis, pero nag-alala si Luis na tuluyang umalis ang kanyang asawa, kaya tinulak niya ang mga officers -- at dito sila nagkasakitan.
Ayon kay Lunahi, limang police officers ang nambugbog kay Luis sa harap niya mismo.
Pero mapapanood lamang sa video ang eksena kung saan pinipigilan ng limang officers si Luis, habang nagmamakaawa ang kanyang asawa na hayaan sila ng mga pulis na magpaliwanag. Pagkatapos ay tinanong niya ang hindi umiimik na si Luis kung okay lang ba siya.
Isa sa mga pulis ang sinubukang ipaliwanag ang kanilang ginawa, sa asawa ni Luis, habang sinusuportahan ng ibang pulis ang katawan ng biktima.
Pagdating ng ambulansiya, ay mas lalong nawalan ng kontrol si Nair.
Ipinaliwanag ni Nair ang sitwasyon sa isang officer, bago niya namalayan nab aka patay na ang kanyang asawa.
Sinubukan siyang pakalmahin ng isang officer, habang si Luis ay kinuha na ng mga paramedics.
Kung ano ang tutoong nangyari bago magsimulang kumuha ng video si Nair, ay hindi natin nalalaman, pero gumamit dawn g pepper spray ang mga pulis bago nila pinagtulungan si Luis.
Ayon sa pamilya ni Luis, siya raw ay binugbog ng mga pulis.
Ang resulta ng autopsy ay inaasahang magbibigay ng kasagutan sa kung paano namatay si Luis. Umaasa rin ang kanyang pamilya na maipakita ng surveillance cameras sa car park ang buong pangyayari, na nauwi sa trahedya.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category
🗞
News