Chinese student, pinatay ng ex-boyfriend sa loob ng dorm!
Isang Chinese na estudyante ang sinaksak at pinatay ng kanyang ex-boyfriend, sa girls' dorm noong Linggo.
Ang biktima na si Yu-Jin (余瑾), ay nag-aral sa Huihua University (懷化學院) sa Hunan Province, China. Ayon sa kanyang mga kaibigan, si Yu-Jin ay isang mabait na babae, na aktibo sa dance troupe ng kanilang eskuwelahan.
Nangyari ang insidente noong Linggo, 7:40 ng gabi. Umuwi si Yu-Jin sa kanyang dorm, kung saan hinihintay siya ng kanyang ex-boyfriend na si Yi-Wei (尹偉).
Tinakot ni Yi-Wei si Yu-Jin na papatayin niya ang mga kasamahan ng babae kung hindi sila umalis mula sa kanyang kuwarto. Sa loob ng dalawampung minuto, at dalawampu't isang beses na nasaksak si Yu-Jin. Ito ang pangalawang beses nang pag-atake ng lalaki sa babae.
Nagsimula silang mag-date noong 2012. Ang 26-year-old na lalaki ay laging insecure tungkol sa kanilang relasyon, at kumuha pa ito ng private investigator, para mabantayan nang husto si Yu-Jin. Pinuntahan niya ang babae sa bahay ng pamilya nito, Disyembre noong isang taon, at sinaksak si Yu-Jin sa hita.
Sumurreder sa pulis si Yi-Wei kahapon, at inamin niya na pinatay niya si Yu-Jin, dahil hindi niya matanggap na hiniwalayan siya nito.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category
🗞
News