Baby, naipanganak sa kalsada, sa tulong ng mga mababait na New Yorkers!
Isang mag-asawang naninirahan sa New York ang nagpapasalamat nang husto sa babaeng ito, na tinulungan silang manganak....sa gitna ng isang intersection sa Manhattan.
Noong February 24, ay pumasok sa labor si Polly McCourt.
Tinulungan siya ng kanyang doorman na si Anton Rudovic papalabas ng kanyang building, hanggang sa kanto, kung saan nagtawag sila ng taksi, pero hindi na sila umabot sa ospital.
Nang napaupo si McCourt sa kalsada, may nakarinig sa kanyang pagsabing, "Oh my God, the baby's coming."
At doon, sa gitna ng crosswalk sa East 68th at 3rd Avenue, nanganak si McCourt.
Nasa traffic si Cian (KEEN) McCourt nang tinawagan siya tungkol sa panganganak ng kanyang asawa.
Pero nasa mabuting kamay naman si Polly. Maraming tao ang tumulong sa kanya, at may isa pang babae ang nagbigay ng mga suot niyang damit, kahit na napakaginaw sa New York.
Sabi ng babae, ginawa lang niya ang dapat niyang gawin.
Sinamahan ng babae si McCourt hanggang sa dumating ang mga paramedics, at ang asawa ni McCourt. Nagpasalamat siya sa babaeng nagbigay ng kanyang mga damit, at kinuha niya ang cellphone number nito, pero nawala ito sa gitna ng mga pangyayari.
Buti na lang at nahanap din ng mag-asawa ang mabait na babae, salamat sa publiko.
Siya si Isabel Williams, 20 years old. Bilang pasasalamat sa kanya, ay ipinangalan ng mag-asawa ang kanilang baby girl na, Ila (ILLA) Isabel McCourt. Nasa mabuting kalagayan ang mommy at baby.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category
🗞
News