Babaeng mukha ring lalaki, nag-imbento ng bagong online dating scam sa China!

  • 9 years ago
Babaeng mukha ring lalaki, nag-imbento ng bagong online dating scam sa China!


Isang babae sa Nanjing, China, ang naaresto noong isang linggo, matapos niyang iprisinta ang kanyang sarili bilang babae AT lalaki sa iba't ibang dating websites, at ninanakawan ng cellphone at tablet ang kanyang mga nakaka-date.

Ang suspect na si Zhang Wen, ay gumamit ng instant messaging ap na QQ, para makipagkilala sa mga tao sa Internet. Dahil siya ay papasa bilang lalaki o babae, nag-post siya ng dalawang profiles: isa bilang babae, at isa bilang lalaki.

Noong Lunar New Year, nakipag-date si Zhang sa isang babae, bilang isang lalaki. Nagkunwari siyang naubusan siya ng baterya sa cellphone, at ninakaw ang phone ng babae.

Matapos i-report ng biktima ang insidente, nalaman ng mga imbestigador na may kasong parehas dito, pero ang nag-report naman ay isang lalaki.

Nalito nung una ang pulis sa kasarian ng suspect, dahil parehas na pangalan ang ginamit niya sa dating app, sa dalawang nai-report na kaso.

Matapos ang ilang araw na imbestigasyon, naaresto si Zhang, at nakasuhan ng pagnanakaw ng limang cellphone at isang tablet, sa halagang 20,000 RMB, o 3,300 USD.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended