Real estate agents, tina-target ang mga single at lonely sa Japan!
  • 9 years ago
Real estate agents, tina-target ang mga single at lonely sa Japan!



Labindalawang single na Japanese ang nag-file ng joint lawsuit laban sa labing-apat na real estate na kompanya. Humihingi sila ng 200 million yen, o 2 million USD, matapos silang lokohin diumano ng mga real estate agents, na nagkunwaring potential partners, para bumili ng mamahaling mansion ang mga biktima.

Nag-rehistro daw ang mga ahente sa match-making websites, at hindi nila binanggit sa mga biktima na sila ay nasa real estate sales.

Nakipag-date ang mga ahente sa mga biktima, na kanilang kinumbinsi na mag-invest sa mga property na kanilang binebenta.

Ang mga biktima ay nangutang daw ng 26 million yen, o 260,000 USD, para makabili ng bahay.

Matapos nilang pumayag na bilhin ang mga bahay, ay hindi na raw nila ma-contact ang mga ahente; ang mga utang lang ang iniwan ng kanilang pekeng partners.

Nadiskubre nila na sila ay nadawit sa "romance scam," matapos silang makabasa ng mga kasong katulad nito sa Internet.

Noong Miyerkules, ay sama-sama silang nagdemanda ng labing-apat na real estate na kompanya.

Sa loob ng apat na taon, ang mga properties na binili ng mga biktima ay nasa halagang 370 million yen, o 3.7 million USD.

Ayon sa defense team, ang ginawa ng mga ahente ay isang malisyosong paglabag sa batas, at tunay na romance scams.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended