Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
VIDEO: Indianapolis bus driver, hinampas ng walis ang isang estudyante!


Warning: Ang video na ito ay hindi para sa mga bata, o mahina ang loob.

Isang school bus driver sa Indianapolis ang iniimbestigahan, matapos lumabas ang video kung saan hinampas niya sa mukha ang isang estudyante, gamit ang isang walis.

Dinidisiplinahan ni Charlotte McDaniel, 47 years old, ang isang estudyante, nang minura siya ng 14-year-old na si Autumn Bonilla.

Sinabihan ni McDaniel si Bonilla na tigilan ang paggamit ng kanyang cellphone. Hindi pumayag si Bonilla, at nagsimulang magmurahan ang dalawa.

Naging pisikal ang away nang naitulak ni Bonilla si McDaniel sa sahig.

Gamit ang isang walis, hinampas ni McDaniel si Bonilla, sa mukha.

Tinanggal na si Bonilla ng kanyang ina mula sa eskuwelahan, at nais nilang maparusahan ang bus driver.

Ano sa tingin niyo -- si Bonilla ba ay dapat na masaktan, o dapat bang maparusahan si McDaniel?


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended