Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Rachel Canning, 18, lumayas at dinemanda ang magulang; natalo sa korte



Isang teenager na babae sa New Jersey, na dinemanda ang kanyang mga magulang para sa child support at tuition fee, ang natalo sa korte.

Ang 18-year-old na Catholic school senior na si Rachel Canning ay isang cheerleader at honor student -- at ayon sa kanya, ang kanyang mga magulang ay napakahigpit, at pinaalis siya sa kanilang bahay, dalawang araw bago siya mag-18th birthday.

Ayon sa ama ni Rachel, na isang retired police chief, kusang umalis mula sa kanilang bahay si Rachel dahil ayaw niyang sundan ang kanilang mga panuntunan...gaya ng pagiging magalang, pagtulong sa mga gawaing-bahay, ay pakikipaghiwalay sa kanyang boyfriend, na masamang impluwensiya sa mata ng kanyang mga magulang.

Si Rachel ay nakikitira sa bahay ng kanyang best friend, dahil napakabait at napaka-supportive ng pamilya nito. Ang ama ng kanyang kaibigan, na isang abogado, ay binayaran pa ang legal na panggastos ni Rachel.

Dinemanda ni Rachel ang kanyang mga magulang, para bayaran nila ang tuition fee sa kanyang private school, na napahinto mula nang umalis sa kanilang bahay si Rachel. Nawalan rin ng kotse si Rachel...dahil pera ng kanyang magulang ang pinambayad rito.

Dahil dito, ay hate na hate daw ni Rachel ang kanyang mga magulang.

Inutusan ng judge na panatilihin ng magulang ni Rachel ang kanyang college fund, pero tinanggihan nito ang request ni Rachel ng 650 USD kada buwan, bilang child support.

Maniwala man kayo o hindi, suportado ng eskuwelahan si Rachel, at minsan ay tinawagan pa nila ang New Jersey Division of Child Proteciton tungkol sa napaka-komplikadong sitwasyon.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended