Babae, hinampas ang sariling ina, gamit ang isang vibrator!

  • 9 years ago
Babae, hinampas ang sariling ina, gamit ang isang vibrator!



Isang babae sa Albuquerque, New Mexico, ang naaresto noong Linggo, matapos niyang bugbugin ang kanyang ina...gamit ang isang vibrator.

Si Cara Claffy, 35, at ang kanyang ina na si Sheryl Claffy, 60, ay nanonood ng TV nang nagkasagutan sila --- hindi namin alam kung ano ang dahilan, pero sapat ito para kunin ni Cara ang isang vibrator, at ginamit ito sa pag-atake sa kanyang ina!

Hindi rin nabanggit sa police report kung bakit malapit sa sala ang vibrator, kung saan nanonood ang mag-ina ng TV.

Gamit ang vibrator, bayolenteng pinaghahampas ni Cara sa ulo ang kanyang ina, hanggang sa dumugo na ang ulo nito.

Pagdating ng pulis, sinabi ng ina ni Cara na si Cara ay nagtatago sa loob ng isang pickup truck.

Pero ang natagpuan lamang ng pulis ay isang lalaking driver, at isang vibrator sa sahig ng sasakyan.

Nahanap din nila si Cara, na lumabas mula sa ibang bahay, at inaresto nila ito.

Ayon kay Cara, tinamaan ng kanyang ina ang sarili niyang ulo, gamit ang vibrator, pero wala namang maniniwala diyan.

Iniimbestigahan parin kung bakit ang vibrator ay nakalagay sa sala.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended