Lalaking nakulong sa kabaong ng anim na araw, nabuhay sa pag-inom ng sariling ihi!
Nakarinig na kayo ng mga taong nakulong sa kabaong sa mga pelikula, pero ito ang nangyari sa isang Taiwanese na lalaki, nang siya ay nakulong sa loob ng kabaong, nang anim na araw. Naligtas siya sa pag-inom ng sarili niyang ihi, at ng tubig mula sa ulan.
Naniniwala ang pamilya ng lalaki na plinano ang insidente, dahil ang kabaong na hinigaan ng lalaki ay tinaggalan ng laman noong 2012, at matagal na itong itinabi. Ang teorya ay may nagbuhat sa lalaki, at pinasok siya sa kabaong, nang siya ay lasing.
Ayon sa pulis, ang lalaki ay maliit lang -- 162 centimeters ang tangkad, at 50 kilos lang ang bigat. Madalas daw siyang magpunta sa shrine na katabi ng sementeryo, para mag-karaoke at makipag-inuman sa kanyang mga kaibigan. Naniniwala ang pulis na may nagtulak sa lalaki sa kabaong, at ipinatong ang takip na may bigat na isang daang kilo.
Pagkagising ng lalaki, ay hindi niya maiangat ang takip ng kabaong, at kakaunti lamang ang ilaw na nakakapasok mula sa labas, sa pamamagitan ng isang maliit na butas sa kabaong. Gutom at uhaw, nagawa ng lalaki na inumin ang tubig mula sa ulan, at ang sarili niyang ihi, nang isang linggo. Sa wakas, ay narinig siyang sumisigaw at umiiyak ng mga bisita sa sementeryo kahapon, at siya ay naligtas.
Hindi maalala ng lalaki kung paano siya napunta sa sementeryo, o kung paano siya nakulong sa kabaong, pero galit na galit ang kanyang mga kapatid sa nangyari sa kanya. Kinunan nila ng litrato ang mga nakainuman ng lalaki, sakaling maituro niya sa kanila ang mga suspect.
Naligtas lang ang lalaki dahil may butas ang kabaong, na nasa 20 centimeters ang lapad.
Ayon sa Central Weather Bureau, bumagsak sa 15 degrees Celsius ang panahon sa Taiwan noong isang linggo, at mas lalo pang bumaba ang temperature noong Miyerkules. Ayon sa doktor, isang himala na nakaligtas ang lalaki, dahil sa normal na sitwasyon, nabubuhay lang ang tao nang walang tubig nang tatlong araw. Sa mga nagawang inumin ang sarili nilang ihi, hahaba ito ng tatlo pang araw. Nagpursige talaga ang biktima.
Ayon sa mga abogado, ang suspect ay maaring makasuhan ng attempted murder, at haharap sa death penalty, life imprisonment, o jail time nang mahigit sa sampung taon.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category
🗞
News