Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
VIDEO: Chinese na babae, nabangga ng apat na kotse - walang taong tumulong!


Chinese na babae, nabangga ng apat na kotse -- walang tumulong.

Makikita sa CCTV footage na ito, ang isang nakatatandang babae, na nabangga ng apat na sasakyan, sa China.

Nangyari ang insidente noong March 6, alas singko ng umaga, sa siudad ng Lishui, na nasa Zhejiang Province.

Tatawid sana ng kalsada ang babae, nang bigla siyang binangga ng isang pedicab. Makikitang bumaba mula sa pedicab ang driver, para tulungan ang babae, pero iniwan rin niya ang biktima sa gitna ng kalsada.

Tatlo pang sasakyan ang bumangga sa matandang babae. At habang nangyayari ito, ay may dalawampung kotse ang dumaan, at walang kumilos para tulungan ang biktima.

Namatay ang babae sa eksena.

Dalawang araw lamang ang nakalipas, nang tinulungan ng pulis ang biktima, na mayroong mental disorder, at hinahanap ang kanyang pamilya, na hindi niya alam kung paano kontakin.

Naaresto na ng pulis ang pedicab driver, at iniimbestigahan ng mga awtoridad ang tatlong hit-and-run drivers.

Nagalit ang mga netizens, at kinumpara ang mga pangyayari sa isang insidente noong March 2011, kung saan namatay ang isang dalawang taong gulang na bata, matapos itong sagasaan ng dalawang van, at hinayaan lang ng labing-walong taong nakakita sa mga pangyayari, sa Guangdong Province.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended