Pulis sa South Carolina, binaril ang isang lalaking kinukuha ang kanyang tungkod!

  • 9 years ago
Pulis sa South Carolina, binaril ang isang lalaking kinukuha ang kanyang tungkod!



Matandang lalaki na inaabot ang kanyang tungkod, binaril ng pulis!

Teka, teka, teka...anong nangyayari dito?

Ang 70-year-old na Vietnam vet na si Bobby Canipe ay pinahinto ng pulis sa South Carolina, para sa expired tags.

Pagbaba niya mula sa sasakyan, inabot niya ang inakala ng pulis ay isang rifle. Nag-panic ang officer.

Nakita niyo ba kung ano ang kinuha ni Canipe? Panoorin uit ang video.

Isang tungkod!!!

Akala ng pulis ay kumuha ng baril ang matandang lalaki, at ilang beses niyang binaril si Canipe, na natamaan ng isang beses sa tiyan.

Nalaman din niya ang kanyang pagkakamali, at agad namang tinulungan ang biktima. Ayon sa Sheriff's spokesman na si Trent Faris, nasa tama ang pulis dahil inakala niya na kumuha ng baril ang biktima. Si Canipe ay inoperahan, at inaasahang gagaling.

Sa susunod na training, sana ay turuan nila ang mga pulis na kilalanin ang diperensiya ng tungkod at baril.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH