Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Lasing na driver, nakapatay ng 2 at nakasagasa ng 23 sa SXSW sa Texas!



Lasing na driver, bumangga sa mga tao sa SXSW; nakapatay ng dalawa, at nakasakit ng marami.

Naaresto ng pulis ang isang lalaki matapos itong tumakas mula sa isang police drunk stop sa Austin, Texas, madaling araw noong Huwebes -- bago siya bumangga sa mga tao sa SXSW.

Pinahinto ng mga pulis ang driver sa isang Shell gas station para sa isang drunk stop, pero hindi niya ito pinansin.

Dinaanan niya ang mga barricades na pampaiwas-traffic sa Red River Street.

Maraming tao na nakapila para sa concert ang nasagasaan ng lalaki.

Natamaan din niya ang dalawang taong nakasakay sa isang bike, na parehong namatay.

Hindi huminto ang pananagasa hanggang sa bumangga ang driver sa isang taxi, malapit sa 11th street.

Nang nagtangkang tumakbo ang driver, tinaser siya ng pulis at siya ay naaresto.

Ayon sa pulis, ang driver ay haharap sa dalawang kaso ng capital murder, at magkahiwalay na kaso ng assault with a vehicle para sa dalawang dosenang taong kanyang nabangga -- lima sa kanila ang nasa kritikal na kondisyon.




For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended