Penn state trooper, aksidenteng nabaril ang buntis niyang asawa!

  • 9 years ago
Penn state trooper, aksidenteng nabaril ang buntis niyang asawa!



Ang isang trahedya na nangyari sa Norristown, Pennsylvania, sa labas ng Philadelphia, noong Biyernes, at tinuturing na isang aksidente.

Si Joseph Miller, na isang Penn State Trooper, ay nililinis ang kanyang 45 caliber handgun,

Habang ang kanyang mga anak at asawa na si JoAnne Miller, na dalawampu't dalawang linggong buntis, ay nasa bahay rin.

Maaring ma-discharge nang hindi sinasadya ang mga baril kapag hindi sila hinahawakan nang maayos, habang nililinis ang mga ito.

Isa sa pinakamadalas na mangyari sa paglilinis ng semi-automatic handguns, ay ang pagiging cocked at loaded ng baril, habang inaakala ng gumagamit nito na ang baril ay unloaded.

Kailangang tanggalin muna ang magazine, bago hilain ang slide para matanggal ng round sa chamber.

Kapag nabaligtad ang order ng mga steps na ito, may maiiwan na bala sa chamber, mahihila ang hammer, at ang baril ay ready to fire.

Nang hindi sinasadyang ma-discharge ni Joseph Miller ang kanyang baril, natamaan ang kanyang asawa sa ulo.

Hindi rin naligtas ang kanilang baby, kahit na nag-emergency c-section sila sa ospital.

Si Miller ay nakikipag-koopera naman sa mga imbestigador, at ang dalawa niyang anak ay kasalukuyang nasa pag-aalaga ng kanilang kamag-anak.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended