Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
March 11, 2014: ikatlong taon mula nang tinamaan ng lindol at tsunami ang Japan



Noong March 11 ang ikatlong anibersaryo ng lindol at tsunami na tumama sa east coast ng Tohoku, Japan.

Ang lindol na may 9.0 magnitude ang pinakamalakas na lindol na tumama sa Japan, at pang-lima sa buong mundo.

Umabot ng 40.5 meters ang taas ng alon ng tsunami, na resulta ng lindol, at umabot din ito sa layo na may sampung kilometro.

Nausog din ng lindol ang Honshu, na main island ng Japan, ng 2.4 meters papunta sa silangan -- at nausog din ang buong planeta mula sa aksis nang may sampu hanggang dalawampu't limang sentimetro.

Ilang buwan matapos ang lindol, nakumpirma ng Japanese National police Agency na may 15,000 na taong namatay, at lampas 6,000 na tao ang nasaktan, at may 2,000 na tao ang nawawala.

Tatlong taon matapos ang lindol, hindi pa rin naibalik sa dati ang buhay ng mga residente sa Japan.

Hanggang ngayon, ang mga taong na-evacuate at nawalan ng bahay ay naninirahan pa rin sa mga temporary housing units.

Nahirapan ang mga officials na magbigay ng eksaktong bilang sa halaga na nawala sa mga natural disasters na nangyari, pero hindi ito mawawala sa milyon-milyon, o kahit pa bilyon-bilyon na dolyares.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended