Doktor, pinahiya sa isang parade dahil namatay ang pasyente sa Guangdong, China!
Doktor, pinahiya sa isang public parade, matapos mamatay ang isang pasyente.
Ang doktor na ito, sa Guangdong Province, China, ay dinala sa kalsada at pinahiya sa harap ng halos isang daang tao, na pinaligiran siya nang kalahating oras -- dahil siya raw ay kailangang parusahan.
Ang ikinagalit ng mga tao, ay ang pagkamatay ng isang pasyente, dahil sa acute alcohol intoxication, na hindi naligtas ng doktor noong isang linggo. Naniniwala ang mga tao na ang doktor, na on-call noong gabing nangyari ang insidente, ang may kasalanan sa pagkamatay ng lalaki.
Napilitang maglakad sa isang parade ang doktor, kasama ang galit na pamilya't kaibigan ng namatay na lalaki. Nag-iiyak ang doktor sa kalahating oras na naisagawa ang pagpapahiya sa kanya.
Ipinagtanggol naman siya ng mga taong nakakita sa mga pangyayari. May nagsabi na ang pamilya ng nasawi ay naglalabas ng sama ng loob sa maling paraan. May nagsabing nag-aalala sila na kung ganito ang ginagawa sa doktor, baka hindi na sila pumayag na gamutin ang mga lasing.
Hindi matanggap ng mga awtoridad ang mga nangyari, at sila raw ay mag-iimbestiga at paparusahan ang mga sangkot sa kasong ito.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category
🗞
News