Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Nakamamatay na gagamba, naglabasan mula sa saging, sa UK!



Nakamamatay na gagamba, nagsilabasan mula sa saging, tinakot ang isang pamilya!

Isang pamilya sa UK ang tumakbo mula sa kanilang bahay, nang daan-daang nakamamatay na gagamba ang nagsilabasan, mula sa isang kumpol ng saging!

Napansin ni Jamie Roberts ang puting marka sa saging, na napagkamalan niyang amag...iyon pala, ito ay isang spider nest!

Binalaan ng pest controllers ang pamilya na umalis agad mula sa kanilang bahay.

Tatlong araw din silang naghintay, habang pinausukan ng disinfectant ang kanilang bahay, bago sila nakauwi.

Hindi nalalaman kung anong klaseng gagamba ang kanilang nakita, pero naniniwala ang pamilya na posibleng ang mga ito ay gagamba na may pinakamalakas na lason sa buong mundo - ang Brazilian Wandering Spider.

May saging ba sa loob ng bahay niyo? Mag-ingat po!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended