Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Pagsabog ng gas sa NYC: 4 namatay, 64 nasaktan, 9 nawawala



Apat na tao, namatay sa isang gas explosion sa New York City

Isang napakalakas na pagsabog ang nagwasak sa dalawang gusali, kung saan labinlimang apartment ang nasira, malapit sa East 116th at Park Avenue, sa East Harlem, 9:30 ng umaga noong Miyerkules.

Apat na tao ang namatay, at animnapu't apat na tao ang nasaktan. Siyam na tao ang hindi pa nahahanap, Miyerkules ng gabi.

Ayon sa New York City Mayor na si Bill de Blasio, ginagawa nila ang lahat, para hanapin ang mga nawawalang tao.

Isang gas leak, na nai-report sa Consolidated Edison, 9:13 ng umaga -- labinlimang minuto bago nangyari ang pagsabog, ay ang kaisa-isang senyales ng panganib. Nagpadala ang kompanya ng truck sa eksena ng gas leak, pero pagdating nito ay nagkagulo na ang lahat.

Ang mga nasirang gusali ay minsang nasa gitna ng Puerto Rican community sa New York, kung saan mayroon ding tindahan ng piano, at isang evangelical church. Lahat ng ito ay nawasak sa pagsabog.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended