Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Babaeng teenagers, seksuwal na inabuso ang isang autistic na batang lalaki!



Autistic na batang lalaki, inabuso at kinunan ng video ng mga babaeng teenager.

Dalawang babaeng nag-aaral sa high school ang naaresto para sa sexual assault laban sa isang autistic na batang lalaki...at ang pag-record ng mga pangyayari sa kanilang mga cellphones.

Ang mga babae, 15 at 17 years old, ay umamin na tinakot nila ang bata sa pamamagitan ng kutsilyo.

Sinipa nila ang bata sa maselang parte ng kanyang katawan, at kinunan siya ng video habang nagsagawa siya ng mga gawaing seksuwal, na paminsan ay may kasamang hayop.

Ilang beses na inakit ng mga babae ang bata na maglakad sa isang nagyelong sapa, at kapag nahulog ang bata sa napakalamig na tubig, ay iniiwan nila ito.

Nang tinanong siya tungkol sa pag-abuso, ang sagot ng bata ay mapaglaro lang ang mga babae...at naniniwala siya na girlfriend niya ang kinse anyos na babae.

Ayon sa ina ng batang lalaki, madalas magpunta sa kanilang bahay ang dalawang babae, at malamang ay inabuso nila ang bata habang nasa trabaho ang ina.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended