Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Palpak na magnanakaw, gumamit ng pekeng baril sa pag-hold-up sa Australia!



Ano raw ang ginamit na pang-hold-up sa isang convenience store?!

Panoorin ito -- hindi ito biro. Ang nakakatakot na taong nakasuot ng itim na balaclava ay mukhang seryoso, nang humugot siya ng baril at sinimulan ang pag-hold-up.

Pero ang plano ng magnanakaw na ito, na nakawan ang tindahan sa maliit na bayan ng Bendigo, sa Australia, ay hindi nasunod.

Okay naman nung umpisa. Pumasok siya sa tindahan at wala siyang nakitang ibang tao.

Hanggang sa kalmadong bumalik sa kanyang puwesto ang night shift clerk na si Steve Ewart. Humingi sa kanya ng pera ang magnanakaw.

Pero malas niya, at itong si Steve Ewart ay isa palang gun enthusiast, at agad niyang nalaman na ang baril na gamit ng magnanakaw ay isang replica -- as in, super harmless!

Sinagot niya ang magnanakaw ng, "It's not gonna happen." At kung ano pa ang sinabi niya, ay natauhan ang magnanakaw, na hindi siya makakakuha ng pera sa gabing iyon.

Kaya ano ang ginawa ng magnanakaw? Nagdabog palabas ng tindahan!

At si Ewart ay nanging isang Internet Hero.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended