Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Rashard Charles, 5 years old, biktima ng hit-and-run sa Brooklyn



Rashard Charles, 5 years old, namatay sa isang hit-and-run accident sa harap ng kanyang bahay noong Linggo.

Nangyari ang insidente, 8:30 ng gabi, sa Empire Boulevard, sa gitna ng Nostrand at Rogers Avenue.

Bumaba mula sa taxi si Rochelle Charles, kasama ang kanyang anak na si Rashard, isa pang bata, at isang 8 month-old na baby.

Tinawid nila ang kalsada, kung saan may Honda Odyssey nan aka-double park, na mabilis na umatras, at natamaan si Rashard.

Nag-panic ang 23-year-old na si Elizabeth Mayard, at nagmaneho paalis, nang narinig niyang sumigaw si Rochelle ng, "Stop, you hit my son."

Tatlong red lights ang nilampasan ni Mayard, at huminto lang siya nang nakita niyang may witness na sumunod sa kanya mula sa eksena ng aksidente.

Nakumbinsi ng witness si Mayard -- na natakot nab aka namatay ang bata - na bumalik sa pinangyarihan ng insidente.

Si Rashard ay hiniga sa hood ng kotse, hanggang sa dumating ang mga paramedics. Pagbalik ni Mayard, sinigawan siya ng maraming tao -- at siya ay inaresto ng pulis.

Ang bata ay sinugod sa ospital, kung saan siya ay kinumpirmang patay.

Si Rashard Charles ay isang masayahing bata, na mahilig kay Spider Man at sa Power Rangers, at mami-miss ng kanyang pamilya. Rest in peace.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended