Mainland Chinese, nag-protesta laban sa kapwa nilang Chinese na namimili sa HK!

  • 9 years ago
Mainland Chinese, nag-protesta laban sa kapwa nilang Chinese na namimili sa HK!


Mga Chinese na mapagmahal sa kanilang bansa, tinawag na traydor ang mga Chinese na namimili sa Hong Kong!

Isang grupo ng mga Chinese na makabayan ang nagprotesta sa Causeway Bay, sa labas ng Sogo Department Store sa Hong Kong, noong isang linggo.

Nagsuot ang mga taga-protesta ng mga sumbrerong may red star, mga arm bands, ang "Little Red Book" ni Mao Zedong, at ang bandila ng China.

Sila ay galing sa mainland China, at nagpunta sila sa Hong Kong para tawaging traydor, ang mga kapwa nila Chinese na namimili sa Hong Kong.

Naitawag ang pulis para masigurong maayos ang protesta. Lampas isang daang tao ang nakapaligid sa mga nagpro-protesta, na kinakaway ang kanilang mga bandila at kumakanta ng mga Communist party songs.

Isang residente ng Hong Kong ang nakipagsagutan sa mga demonstrators. Natapos ang protesta nang pinaalis sila ng mga pulis.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended