Lalaki sa Florida, nag-ala Rambo, at pinagbabaril ang isang restaurant!
Lalaking may dalang mga armas at nakadamit na tulad ni Rambo...nabugbog nang di oras!
Akala ko napanood ko na ang lahat ng pelikulang Rambo, pero meron palang isa kung saan nagsimula siya ng isang mass shooting sa Florida?
Ang lalaking ito -- ang 37-year-old na si David Allen Noble -- ay inakala na kaya niyang patalbugin si Sylvester Stallone. Pero hindi siya umubra sa dalawang customer, na walang dalang armas.
Si Noble ay nakatambay sa Europa Lounge and Bistro at mukha namang nag-e-enjoy siya. Tumayo siya at umalis sa bar, gaya ng isang normal na customer.
Pero makalipas ang kalahating oras, bumalik siyang nakasuot ang mala-Rambo na tactical uniform, at dala ang dalawang kutsilyo at isang assault rifle.
Pero may dalawang customer na walang dalang armas -- sina Vassili Moronov at Roman Dubinsechi -- ang nakaya si Fake Rambo, at napigilan ang anumang maaring mangyari, na tiyak na mauuwi sa trahedya.
Parehong nahiwa sa kamay ang ating mga heroes, at si Moronov ay nasugat sa ibabaw ng kanyang mata. Pero walang permanent na pinsala sa kanila.
Si Noble ay haharap sa maraming kaso, gaya ng attempted murder, at siya ay nakakulong nang walang bail. Hindi nalalaman kung bakit siya bumalik sa bar, dala ang kanyang mga armas.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category
🗞
News