Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Turistang galing sa HK, nahuling nagnanakaw sa Taiwan!


Mag-syota na galing Hong Kong, nahuling nagnanakaw sa Taiwan!

Matapos maaresto ang dalawang babae sa paninira at pagtakas sa pambayad sa isang apartment sa Taipei, isa na namang insidente tungkol sa turista na galing sa Hong Kong ang pinag-uusapan sa Taiwan.

Si Liu Jun-En at Xu Min-Ming, na galing sa Hong Kong, ang naaresto noong isang linggo matapos mahuling nagnakaw sa isang supermarket sa Taipei.

Ang dalawa, na nasa kanilang 20s, ay naubos ang kanilang pera, at nagtangkang magnakaw ng gamit sa halagang 230 USD, mula sa Carrefour supermarket noong Martes.

Siniksik ng dalawa ang nanakawin na gamit sa loob ng kanilang mga bag, at magbabayad lang sana para sa tinapay pagdating sa checkout -- pero nahuli sila ng staff. Dumating ang pulis at naaresto sila.

Inamin ni Liu na nagnakaw sila dahil naubusan na sila ng pera. Nagpunta sila sa Taiwan para makakuha ng plastic surgery si Xu, na nasira ang mukha sa isang car accident. Nagdala sila ng 3,300USD, pero walang natira matapos ang operasyon.

Kahit na humingi sila ng tawad, nakasuhan pa rin sila ng pagnanakaw.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended