Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Foreigner sa Taiwan, dinura ang chewing gum sa kamay ng MRT staff!


Bastos na foreigner sa Taiwan, dinura ang chewing gum sa kamay ng subway staff.

Ang foreigner na ito ang pinaka-unwelcome na pasahero sa pulic transit system sa Taiwan. Panoorin kung bakit.

Ngumunguya siya ng chewing gum sa platform ng Kaohsiung MRT station, kung saan siya namataan ng konduktor ng tren. Ang pagkain at pag-nguya sa chewing gum ay mahigpit na ipinagbabawal sa MRT sa Taiwan.

Pagsakay ng foreigner sa tren, nilapitan siya ng station master, at malumanay na pinaalala na bawal kumain at uminom sa tren. Dinura ng bastos na foreigner ang gum sa kamay ng station master, sabay binigyan pa ito ng middle finger, bago siya umalis.

Ang buong insidente ay nakunan ng isang pasahero.

Ayon sa station master, maayos niyang kinausap ang foreigner, at hindi niya naman inakala na talagang idudura ng foreigner ang chewing gum sa kanyang kamay.

Hindi rin daw niya nakita na binigyan siya ng foreigner ng middle finger, kung hindi ay pinaalis niya sana ito, at binigyan ng multa.

Para sa mga nasa Taiwan, ang multa sa paglabag sa panuntunan sa MRT ay 1,500NTD. Kung hindi niyo ito kayang bayaran...huwag mapikon, at huwag na huwag magpakabastos!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended