Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Justin Casquejo, 16, naaresto sa pag-akyat sa tuktok ng 1 World Trade Center!



Teenager, umakyat sa pinakatuktok ng 1 World Trade Center!

Ito ang Freedom Tower sa 1 World Trade Center sa New York. Ang building, na hindi pa natatapos at hindi pa magbubukas ng ilang buwan, ay may 1,776 feet ang taas. Kapag ito ay natapos, ang skyscraper, na katabi ng dating Twin Towers, ay magiging ikatlo sa pinakamalaking gusali sa buong mundo.

Laking gulat ng lahat, nan gang 16-year-old na si Justin Casquejo, ay nakapasok sa site, Linggo ng umaga, at nakaakyat sa pinaka-itaas! Ito ang kanyang ginawa:

Gumapang siya papasok mula sa isang butas sa harang...payat kasi ang batang ito.

Pagkatapos ay dumaan siya sa scaffolding at umakyat sa 6th floor, kung saan sumakay siya ng elevator papunta sa 88th floor.

Mula doon, ay inakyat niya ang hagdanan papunta sa 104th floor. Doon ay nalampasan niya ang isang security guard na natutulog, at nakarating siya sa rooftop, kung saan inakyat niya ang isa pang hagdanan, papunta sa tuktok ng building.

Sa tuktok, ay kumuha ng mga litrato si Casquejo. Isang oras din siyang nagtagal doon, at siya ay naaresto habang siya ay paalis.

Si Casquejo, na isang parkour at climbing enthusiast, ay nakasuhan ng criminal trespass. Ang security guard na natutulog habang on duty, ay nawalan na rin ng trabaho.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended