Magnanakaw, nahuli at nabugbog ng Thunder from Down Under, sa Vegas!

  • 9 years ago
Magnanakaw, nahuli at nabugbog ng Thunder from Down Under, sa Vegas!



Mga lalaking strippers, binugbog ang isang magnanakaw sa isang hotel sa Vegas!

Ang magnanakaw na ito, na may dalang baril, ay walang sinabi sa mga Australian strippers!

Isang grupo ng Australian strippers, na tinatawag na Thunder from Down Under, ay binugbog ang isang magnanakaw na may dalang baril, at posibleng lulong sa droga, na ninakaw ang kanilang mga gamit sa kanilang dressing room noong March 18.

Nangyari ang lahat sa Excalibur Hotel and Casino, sa Las Vegas strip, kung saan in-demand ang Thunder from Down Under.

Ang magnanakaw, na pinaniniwalaang high sa methamphetamine, ay nakapasok sa backstage room, na kanyang ninakawan, habang nagpe-perform ang mga strippers.

Ang pagkakamali ng magnanakaw, ay hindi siya umalis sa hotel. Nakita siya ng mga strippers, at nakilala ang mga kagamitang ninakaw nito mula sa kanilang kuwarto.

Nagkagulo -- kinumpronta ng mga Aussies ang magnanakaw, na naglabas ng baril at nagpaputok ng isang beses. Napaso ang isang stripper sa gunpowder mula sa baril.

At dito nabugbog ang magnanakaw, ng mga napaka-machong strippers mula sa Australia.

Naaresto ang magnanakaw, at nakasuhan ng attempted murder with a deadle weapon, attempted robbery with a deadly weapon, at burglary with a deadly weapon.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended