Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Babae, natamaan ng water bomb, habang kumakain sa restaurant sa HK!


Babae, natamaan ng water bomb, sa isang restaurant sa Mongkok, Hong Kong!

Dalawang babae ang natamaan ng isang water bomb, o plastic bag na may laman na tubig, na binato mula sa taas ng isang building, habang sila ay kumakain sa isang restaurant sa Hong Kong, noong Miyerkules.

Nangyari ang insidente, alas dos ng madaling araw, nang ang 35-year-old na biktima na si Liu, at ang kanyang kaibigan, ay nakaupo sa labas ng isang Japanese yakitori bar sa Changsha Street, sa Mongkok entertainment district -- nang bigla silang natamaan ng water bombs mula sa 11th floor ng isang building! Tumama ang water bomb sa ulo ni Liu; siya ay nabasa pero hindi nasaktan.

Ang restaurant na ito ay nagdagdag lang ng mga mesa at upuan sa labas, dahil hindi na nila maipagkasya ang napakarami nilang customer.

Ayon sa pulis, ang water bomb attack ay maaring isang klaseng pag-protesta ng mga residente, na hindi natutuwa sa ingay na nagmumula sa baba ng kanilang building.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended