Mindy Tran, hinarang ang katawan sa kotse para maligtas ang kanyang mga anak!
Isang ina, sinakripisyo ang kanyang paa, para maligtas ang buhay ng kanyang mga anak.
Ano ang gagawin mo para iligtas ang iyong mga anak, kung iilang segundo na lang ang natitirang oras?
Para kay 22-year-old Mindy Tran ng Lawrence, Massachusetts, gagawin niya ang lahat, huwag lang mapahamak ang kanyang mga anak.
Kaka-park lang ni Mindy ng kanyang kotse sa garahe ng bago niyang apartment, at binuksan niya ang pinto ng kotse para kunin ang kanyang mga anak -- nang biglang umandar ang sasakyan, habang nakasakay pa ang kanyang kambal na 2-year-olds sa loob!
Hindi nagdalawang-isip si Mindy -- ipinuwesto niya ang kanyang katawan sa ilalim ng kotse para hindi na ito umabante, habang niligtas ng mga kapitbahay ang kanyang mga anak.
Si Mindy ay dinala sa ospital para sa nadurog na tuhod at na-dislocate na balakang. Pero hindi siya nagsisisi sa kanyang ginawa, dahil kung natuloy ang kotse sa pag-andar, malamang ay masasangkot sa mas seryosong aksidente ang kanyang mga anak.
Walang balita kung bakit biglang umandar ang naka-park na kotse.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category
🗞
News