Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Teenager, ginaya ang Breaking Bad, nagpadala ng ricin sa kanyang kaaway!



Lalaki, naaresto matapos ipagyabang ang kanyang krimen!

Ang Pennsylvania teenager na si Nicholas Helman, ay naaresto noong Miyerkules, dahil nagpadala siya ng birthday card na may lason na ricin sa isang lalaki.

Nahuli lang siya, dahil ipinagyabang niya ang kanyang ginawa sa isa niyang katrabaho.

Ang 19-year-old ay nilason ang bagong boyfriend ng kanyang ex-girlfriend.

Nagluto siya ng ricin, at pinadala ito sa kanyang karibal, sa loob ng isang sobre.

Ang ricin, ay natatagpuan sa castor beans. Kapag nahigop o nakain mo ito, maari kang mamatay sa loob ng tatlong araw.

Hindi natiis ng teenager ang manahimik, kaya ipinagyabang niya ang kanyang ginawa, sa isa niyang katrabaho sa Target. Tinawagan ng kanyang co-worker ang pulis.

Natagpuan ng hazmat squad ang sobre, na may laman na scratch-and-sniff na birthday card, na may halong ricin.

Sinabi ng teenager na nagpadala lang siya ng sodium hydroxide, para takutin ang lalaki, pero natagpuan ng pulis ang castor beans at recipe para sa ricin sa backpack ni Helman.

Noong March 7, naaresto na si Helman para sa assault, pero nakalaya rin siya sa bail.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended