Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Pagpatay sa kolehiyala sa Canada, napanood ng kanyang boyfriend sa webcam sa China!



Canadian webcam murder suspect, sinimulan na ang trial.

Isang lalaking naakusahan ng pagpatay sa isang estudyante sa York University sa Toronto, na nakunan ng webcam, noong 2011 -- at kasalukyang nasa trial.

Mula sa malayong distansiya, isang Chinese na lalaki ang nanood sa webcam...

Habang pilit na pinasok ng suspect na si Brian Dickson ang kuwarto ng kanyang girlfriend, sa Toronto.

Si Quan Liu, 23, ay natagpuang patay sa kanyang kuwarto kinabukasan.

Si Liu ay nakikipag-chat sa kanyang boyfriend na si Meng, na nasa Beijing, sa pamamagitan ng webcam, noong gabing nangyari ang krimen...

Nang tumayo siya para sagutin ang isang katok sa kanyang pinto.

Tinangkang yakapin ng suspect si Liu, bago niya pinilit ang kanyang sarili sa kuwarto, at tinulak ang babae sa kanyang kama, na hindi nakikita sa anggulo ng webcam.

Pagkatapos ng dalawang malakas na ingay, nanahimik si Liu. Pinanood ni Meng mula sa webcam, ang suspect na pinatay pa ang ilaw at ni-lock ang pinto ng kuwarto.

Pagkalipas ng ilang sandali, ang suspect, na walang suot na panloob o pantalon, ay lumapit sa computer at pinatay ang webcam.

Si Liu at natagpuang patay kinabukasan, ang kanyang damit ay nakaangat lampas sa kanyang mga balikat, at ang sahig ng kanyang kuwarto ay puno ng dugo.

Ayon sa analysis, ang DNA at semen na natagpuan sa ilalim ng kuko, sa dibdib, abdomen, at singit ng biktima, ay malamang na galing kay Dickson.

Ang suspect, ayon sa kanyang ama, ay madalas na magpunta sa mga dating sites na para sa Asian na babae, at nagpo-post sa mga topics na gaya ng incest, drug use, at Asian porn stars -- sa ilalim ng pangalang, 'dj_jake_the_snake.'

Si Dickson, na isang NGO worker at dating aspiring model, at nag-plead ng not guilty sa first-degree murder.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended