Seattle police, nai-release ang mga litrato na kinunan sa death scene ni Kurt Cobain!

  • 9 years ago
Seattle police, nai-release ang mga litrato na kinunan sa death scene ni Kurt Cobain!

Kaka-release lang ng pulis sa Seattle, ang mga litratong kinunan sa death scene ng Nirvana frontman na si Kurt Cobain -- na ngayon din lang naipakita sa publiko.

Ang mga litrato, na na-develop lang, dalawampung taon matapos magpakamatay ang singer, ay ipinapakita ang sombrero, wallet, isang pakete ng American Spirit brand na sigarilyo, lighter, at isang cigar box na may laman na kutsara at mga syringes -- mga bagay na ginagamit sa paghanda at pag-inject ng heroin.

Ayon sa pulis, ang mga litrato ay nagmula sa mga rolyo ng film na hindi pa napapa-develop, at ngayon lang natingnan ng mabuti -- para mapawalang-bisa ang mga balitang may foul play na sangkot sa pagkamatay ni Cobain.

Si Cobain, na itinuturing na isa sa pinakamagaling na musical artist ng kanyang panahon, ay natagpuang patay sa kanyang bahay, at may tama ng bala sa kanyang ulo, noong April 8, 1994. Isang suicide note ang nadiskubre malapit sa katawan ng singer.

Si Cobain, na ikinasal kay Courtney Love, ay may maliit na anak noong siya ay namatay -- at kilala rin sa kanyang pagkalulong sa droga, at pagiging depressed bago siya mamatay sa edad na 27.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended