Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
VIDEO: Tren sa Chicago, na-derail dahil nakatulog ang driver!




Isang tren sa Chicago, na-derail dahil nakatulog ang driver!

Ang engineer na nagko-kontrol ng isang tren sa Chicago, nakatulog daw.

May bagong video na lumabas, na pinapakita ang train derailment sa O'Hare International Airport, sa Chicago, noong Lunes. Ayon sa bagong impormasyon, ang babaeng nagmamaneho ng tren ay umamin na nakatulog siya bago nangyari ang crash.

Dahil maaga noon, ang terminal platform ay walang tao. Ang mga paalis na pasahero ay naghihintay sa isang stationary train.

Ang mga riles sa terminal stations ay may mga bumper para mapigilan ang pagtama ng tren sa dulo ng riles.

Kahit na hindi lumampas sa 40kph na limit ang tren, hindi ito napigilan sa pag-andar ng natutulog na driver at ng automatic emergency brakes -- kaya nawasak nito ang bumper, at napaaalis sa riles! Dahil sa momentum ay nalampasan ng tren ang harang sa riles, at dumiretso ito sa escalator.

Dalawang lalaking nakatayo sa taas ng escalator ay mabilis na umiwas sa parating na tren.

Ang driver daw ay nagising lang nang na-derail na ang tren, at wala siyang maalala sa mga nangyari bago ang crash.

Tatlumpu't dalawang tao ang nasaktan sa insidente. Kasalukuyang iniimbestigahan ng National Transport Safety Bureau ang training, shift scheduling, at disciplinary history ng driver.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended