Husband killer Jordan Linn Graham, makukulong ng 30 taon!

  • 9 years ago
Husband killer Jordan Linn Graham, makukulong ng 30 taon!



Babaeng nagtulak sa kanyang asawa sa isag talampas, makukulong ng tatlumpung taon.

Si Jordan Graham ay nasentensiya ng mahigit tatlumpung taong pagkabilanggo, para sa kanyang pagtulak sa kanyang asawa sa talampas na ito sa Glacier National Park noong isang taon.

Walong araw lamang silang kinasal ng kanyang asawang si Cody Johnson, nang sila ay nag-hiking sa national park, para pag-usapan ang kanilang bagong buhay bilang mag-asawa.

Si Jordan, na 22 years old palang noon, ay nagdalawang isip, at mabilis na nauwi sa away ang pakikipag-usap niya sa 25-year-old na si Cody.

Sa isang punto, hinatak ni Cody si Jordan, at nagwala ang babae, na tinulak si Cody...at habang nakatalikod ito,

Ginamit ni Jordan ang dalawa niyang kamay, ay tinulak si Cody pababa mula sa talampas -- na may mahigit isang daang talampaan ang taas.

Nag-imbento si Jordan ng kuwento, at gumamit ng pekeng email para maloko ang pulis, pero siya rin ay nabuking ng mga imbestigador, at pati na rin ng kanyang mga kaibigan.

Naghihintay ang ina ng biktima na humingi ng paumanhin sa kanya si Jordan, pero walang pinakitang pagsisisi ang babae sa trial.

Ito ay maaring naging dahilan kung bakit hindi siya binigyan ng leniency ng US District Judge na si Donald Molloy -- na sinentensiya si Jordan ng tatlong daan at animnapu'r limang buwang pagkabilanggo, na walang early parole, at masusundan ito ng limang taong supervised release.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH